Thursday, February 20, 2014

Muni Muni Muna: Regalo

Masaya ko dahil nakatanggap ako ng mga regalo ngayon mula sa tatlo sa mga magagandang kaibigan ko. Wala namang okasyon, pero sabi nila late birthday gift daw nila yun saken. Matagal nang tapos ang maligayang kaarawan ko, tuwing December 5 ko yun sine-celebrate. Kaya nakakatuwa na kahit ang tagal tagal na, naisip parin nilang magbigay ng pahabol na gift :D

Akalain mo yun, natapos na yung birthday ko, yung pasko, new year, feast of the three kings, chinese

new year, at valentine's day, pero naisip parin nilang bigyan ako ng mga espesyal na regalo :) Natutuwa ako kase kahit hindi ko na sila palaging kasama (dahil irregular student nako at sobrang busy na nila, di pa magmeet schedules namen), nararamdaman ko parin yung presensya nila :)

Late birthday gifts :) Special gifts from some of the special girls in my college life :)

________________________________________________________________________

Tulog na lahat ng room mates ko ngayon. 12:54 narin kase sa orasan ng notebook ko.
Siguro dapat matulog narin ako. Kaso natutuwa pako sa mga love songs na pinapakinggan ko ngayon, nakakarelax, napapakanta narin ako haha.
After 5 minutes i-off ko narin to, para makapahinga na. Tulog tulog din pag may time :)

Hanggang dito nalang :)
Kung sino ka mang nagbabasa nitong post nato ngayon, ang wish ko sayo ay good health ;) hehe.

No comments: